Inutusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco na mag-refund ng karagdagang ₱2.64 bilyon sa mahigit walong milyong customer nito.
Katumbas ito ng bawas na ₱0.10 kada kilowatt-hour (kWh) para sa lahat ng uri ng customer, habang ₱0.17 kada kWh naman ang refund para sa mga residential customer.
Isasagawa ang refund sa loob ng anim na buwan o hanggang sa maibalik ang buong halaga.

