Dumalo sa unang araw ng kaniyang bail hearing sa pamamagitan ng video conference si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng kasong plunder na nagkakahalaga ng ₱7.44 bilyon.
Ayon kay Sandiganbayan Third Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma, pinayagan ng korte ang mosyon ni Romualdez na hindi na dumalo sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayong Lunes ng hapon, Oktubre 12. | via Harted Molina


