Kinuwestiyon ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte kung bakit kailangan pa ng National Bureau of Investigation (NBI) na kunin ang kaniyang panig kaugnay ng alegasyon ni dating pulis Rodulfo Gracioso Jr. na naghatid umano ito ng mga maleta ng pera sa pamilya Duterte.
Ayon kay Pulong, kung kumpiyansa ang NBI sa resulta ng polygraph o lie detector test ni Gracioso, dapat nitong panindigan ang sarili nitong pagsusuri.
Matatandaang inimbitahan ng NBI ang kongresista upang magbigay-linaw sa usapin ngayong Lunes, Oktubre 12.

