Nasawi ang isang 66-anyos na senior citizen matapos umanong tagain at pugutan ng ulo sa Barangay San Ramon, Lupi, Camarines Sur, bandang 11:20 ng umaga nitong Huwebes, Oktubre 8.
Nasa kustodiya na ng Lupi Municipal Police Station ang 25-anyos na suspek na pinaghihinalaang may kondisyon sa pag-iisip at residente ng nasabing bayan.
Ayon sa paunang ulat, nakita umano ng isang residente ang suspek na may hawak na bolo at may tinataga sa isang daanan malapit sa kaniyang bahay. Nang lapitan ng saksi ang lugar, nakita niya ang wala nang buhay na biktima.
Natagpuan din ng mga awtoridad ang itak na hinihinalang ginamit sa krimen na nakabaon sa isang puno ng kalamansi malapit sa pinangyarihan.
Kusang sumuko ang suspek at patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo at maihanda ang kaukulang kaso. | via Michael Gravito
📷: Lupi MPS


