Sinabi ng PAGASA na nasa tatlo hanggang limang bagyo ang posibleng mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mula Oktubre 2026 hanggang Marso 2027.
Sa mga ito, isa hanggang dalawang bagyo ang inaasahan mula Oktubre hanggang Disyembre, habang isa o wala naman sa Enero 2027.
Maliit din ang posibilidad na magkaroon ng bagyo sa Pebrero at Marso.
Ayon sa state weather bureau, inaasahang mas mababa ang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa matinding El Niño.

