Arestado sa Singapore ang limang Pilipinong turista dahil sa umano’y pagnanakaw ng SGD 155,000 o katumbas ng humigit-kumulang ₱7.6 milyon, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Nangyari umano ang insidente noong Setyembre 25 sa Tang Plaza. Unang humarap sa korte ang limang Pilipino noong Oktubre 2 at nakatakda silang humarap muli sa Oktubre 9.
Sa ngayon, hinihintay pa ng DFA at Philippine Embassy in Singapore ang iba pang detalye tungkol sa kaso.

