Lusot na sa Kamara sa ikalawang pagbasa ang ₱7.2-trilyong 2027 national budget o General Appropriations Bill (GAB).
Kinuwestiyon naman ng ilang mambabatas ang ₱116.32 bilyong budget realignments ng Budget Amendments Review Subcommittee (BARSc) dahil umano sa kakulangan ng detalye at oras para masuri ang mga ito.
Kabilang sa malalaking realignment ang ₱28 bilyon para sa medical assistance ng DOH at ₱26 bilyon para sa ayuda ng DSWD, maging ang pondo para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD), local government support, at TESDA scholarships.
📷: HREP


