Tinanggihan ng Sandiganbayan Sixth Division ang kahilingan ni dating DPWH Maintenance Division chief Juliet Calvo na sumailalim sa house arrest matapos siyang ma-stroke.
Sa halip, pinayagan ng anti-graft court na manatili siya sa Philippine Heart Center sa loob ng 30 araw bago ilipat sa Quezon City Jail Female Dormitory.
Matatandaang nahaharap si Calvo sa kasong malversation kaugnay ng maanomalyang flood control project sa Oriental Mindoro, kung saan kapwa akusado niya si dating Rep. Zaldy Co.


