Nasawi ang tatlong miyembro ng engineering team ng isang hotel sa Davao City matapos ma-trap habang nagsasagawa ng maintenance work sa lift station ng gusali nitong madaling araw ng Lunes, Oktubre 5.
Ayon sa Davao City Fire District, isang engineer at dalawang maintenance crew ang natagpuang patay sa sewage treatment facility.
Kinailangan munang magsuot ng self-contained breathing apparatus ang mga responder bago makapasok sa lugar matapos matukoy ang mataas na level ng carbon monoxide.
Patuloy ang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng insidente at kung may pagkukulang sa safety measures ng hotel.
📷: Davao City Fire District


