Nasa 20 barko ng Chinese Maritime Militia at Chinese Coast Guard ang namataan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatan ng Pag-asa Island sa Palawan nitong Miyerkules, Oktubre 7.
Ayon sa PCG, mas marami pa ang unang namataan ngunit may ilan nang umalis sa naturang lugar.
Sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP), umabot sa 101 barko ng Chinese Coast Guard at PLA Navy ang namonitor sa West Philippine Sea nitong Setyembre.
📷: PCG


