Kinumpirma ni Senador Tito Sotto na tuluyan nang lumipat sa majority bloc si Senador Mark Villar ngayong Huwebes, Oktubre 8.
Sinabi ni Sotto na malaking tulong ang paglipat ni Villar lalo ngayong patong-patong ang kanilang trabaho, kabilang ang legislative work, budget hearing, at impeachment trial.
Si Senador Mark Villar na ang ika-14 na miyembro ng majority bloc.
📍 via Mar Gabriel

