Nasawi ang tatlong katao habang 36 iba pa ang sugatan sa magkahiwalay na pag-atake sa dalawang paliparan sa Saudi Arabia.
Sa ulat, isa ang nasawi at walo ang sugatan sa King Khalid International Airport sa Riyadh, habang dalawa ang nasawi at 28 ang sugatan sa Abha International Airport.
Inako ng grupong Houthi ang mga pag-atake na ginamitan umano ng mga missile at drone.
Samantala, gumanti ang Saudi Arabia sa pamamagitan ng airstrikes, na nakaapekto rin sa ilang pangunahing kalsada.
📷: Reuters


