Muling hinamon sa Supreme Court ang desisyon ng Senate impeachment court na nagpababa sa bilang ng boto na kailangan para mahatulan o mapawalang-sala si Vice President Sara Duterte.
Kabilang sa mga naghain ng petisyon sina Senators Robinhood Padilla at Christopher “Bong” Go, na parehong senator-judge sa impeachment trial, kasama ang mga opisyal ng PDP-Laban.
Sa ilalim ng desisyon ng Senate impeachment court, maaaring bumaba mula 16 sa 14 ang kinakailangang boto para sa conviction kung anim na senador ang hindi makalahok sa paglilitis.
Iginiit naman ng mga petitioner na dapat 16 na boto o two-thirds ng lahat ng 24 na senador ang kailangan, alinsunod sa 1987 Constitution.
📷: Senate


