Nakuhanan sa CCTV ang panghahablot sa kwintas ng isang tindero sa isang bigasan sa Brgy. Sta. Cruz, Gapan City, Nueva Ecija.
Nagkunwaring bibili ng bigas ang isang lalaki. Saglit niyang tiningnan ang mga paninda bago sinipat ang paligid.
Kinalaunan ay bigla niyang hinablot ang kwintas ng tindero at mabilis na tumakas.
Naipaabot na sa mga awtoridad ang insidente at nanawagan ng tulong sa sinumang nakakakilala sa suspek.
📍 via Jim Tejano

