Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 12 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱81.6 milyon sa Batangas Port, Barangay Sta. Clara, Batangas City nitong Miyerkules, Oktubre 7.
Apat na lalaki ang naaresto sa joint operation. Ayon sa PCG, residente ang mga ito ng Malate, Manila at Maluso, Basilan.
Narekober din ang isang sasakyan, cellphone, identification cards at ATM cards.
Itinurn-over na ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon. | via Emmar Dela Vega
📷: Philippine Coast Guard


