Pansamantalang ipinagbabawal ang pangingisda, paglalayag at iba pang aktibidad sa ilang bahagi ng karagatan ng Palawan sa Sabado, Oktubre 10, dahil sa posibleng pagbagsak ng debris mula sa nakatakdang paglulunsad ng Chinese rocket.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ipatutupad ang pagbabawal mula 3:20 a.m. hanggang 3:49 a.m. sa karagatan malapit sa Puerto Princesa at Tubbataha Reefs Natural Park.
Kasama ang mga naturang lugar sa posibleng drop zone ng isang Long March 12 rocket na ilulunsad mula sa Hainan, China.
Pinaaalalahanan ng BFAR ang publiko na huwag hawakan o lapitan ang mga debris dahil sa banta sa kalusugan at seguridad.
📷: CGD Palawan File

