Nasawi ang isang 44-anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin ng isang lalaki sa Barangay San Agustin, Tiaong, Quezon.
Ayon sa pulisya, ilang beses umanong binaril ng suspek ang biktima pagkalabas nito ng kanilang bahay.
Tinitingnan ng mga awtoridad ang matagal nang alitan ng dalawa bilang posibleng motibo sa krimen, kabilang umano ang reklamo na madalas binubully ng anak ng biktima ang anak ng suspek.
Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek at nahaharap sa kasong murder. | via Martin Banaag
📷: Tiaong MPS

