Nagkalat sa kalsada ang langis matapos tumagilid ang isang puting SUV sa Samson Road, Caloocan City, kaninang alas-4 ng umaga, Oktubre 8.
Bago tumagilid, sumalpok muna ang sasakyan sa steel fence ng center island.
Ligtas naman ang driver at walang ibang motoristang nadamay. Iniimbestigahan pa ang dahilan ng insidente.
📍 via Jim Tejano
📹: Contributed

