Nilinaw ni AMLC Executive Director Ronel Buenaventura na hindi awtomatikong nangangahulugan na ilegal ang isang financial transaction kung na-flag ito bilang suspicious.
Sinabi ni Buenaventura na kailangan pa ng karagdagang pagsusuri at imbestigasyon bago matukoy kung may nalabag sa batas ang transaksyon.
Kabilang sa mga record na tinalakay ang tinatayang ₱4.4 bilyong covered transactions nina Vice President Sara Duterte, Atty. Manases Carpio, at mga kumpanyang may kaugnayan sa kanila.
Iginiit naman ng depensa na hindi sapat ang AMLC reports para patunayang sangkot si VP Sara sa mga alegasyon ng illegal transactions, drug importation, flood control anomalies o malversation.



