Ibinunyag ni Vice President Sara Duterte na inalok umano ng pera at bahay si dating Davao City information officer Jefry Tupas para tumestigo laban sa kaniya.
Ayon kay Duterte, sinabi umano ni Tupas na inalok siya ng mga awtoridad ng pera at tirahan para sa kaniyang pamilya kapalit ng pakikipagtulungan sa imbestigasyon.
Itinanggi naman ni Tupas ang mga alegasyon ni dismissed Police Officer Rodulfo Gracioso. Nagsumite na si Tupas ng affidavit sa National Bureau of Investigation (NBI).
Samantala, mariing itinanggi ni Duterte ang mga paratang ni Gracioso tungkol sa umano’y cash deliveries at sinabing may mga larawan at record na taliwas sa mga pahayag nito.



