Nagpasalamat si Rep. Leandro Leviste sa mga sumusuporta sa kaniya kasunod ng arrest warrant na inilabas ng Makati Regional Trial Court (RTC) laban sa kaniya kaugnay ng umano’y paglabag sa Public Service Act.
“Salamat sa lahat ng sumusuporta. Huwag niyo akong alalahanin, maliit na bagay lang ito kumpara sa ibang nangyayari. Kayo ang inaalala ko,” ani Leviste sa kaniyang Facebook post.
📷: Rep. Leandro Leviste



