Nasakote ang isang 53-anyos na babae matapos makuhanan ng 104.9 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱2.1 milyon sa buy-bust operation sa Barangay Caigdal, Unisan, Quezon.
Ayon sa pulisya, isang sachet muna ang nabili sa suspek bago nakumpiska sa kaniyang shoulder bag ang karagdagang 98.9 gramo ng hinihinalang shabu.
Itinuro umano siya bilang supplier ng ilegal na droga ng isang naunang naarestong wanted person.
Taga-Rizal at sinasabing dayo lamang sa Unisan ang suspek. Ayon pa sa pulisya, mula sa NCR ang kaniyang supply.
Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165.
📍 via Martin Banaag
📷: Unisan MPS


