Hindi maipaliwanag ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang malaking agwat sa pagitan ng idineklarang net worth nina Vice President Sara Duterte at ng kaniyang asawang si Manases Carpio at ng kanilang mga bank transactions.
Sa impeachment trial, tinanong ni presiding officer Sen. Francis “Chiz” Escudero si AMLC Executive Director Ronel Buenaventura tungkol sa ₱424 milyong kabuuang pumasok at lumabas na transaksyon sa kanilang mga account mula 2022 hanggang 2025.
Sinabi ni Buenaventura na hindi niya matukoy kung ano ang dahilan ng malaking pagkakaiba dahil nakabatay lamang ang kaniyang testimonya sa mga rekord ng AMLC.
Iginiit din niyang ang mga transaksyong iniulat ng ahensya ay sakop ng iba’t ibang taon, habang ang SALN ay nagtatala ng net worth sa pagtatapos ng bawat taon.
📷: Senate



