Naglabas ng arrest warrant ang Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 235 laban kay Batangas Rep. Leandro Leviste dahil sa umano’y paglabag sa Public Service Act.
Itinakda naman ng korte sa ₱72,000 ang piyansa para sa kaso.
Matatandaang huling iniulat na nasa France si Leviste kasama ang kaniyang ina na si Sen. Loren Legarda, na naka-medical leave.



