Nakuhanan sa CCTV ang pagnanakaw ng isang lalaki sa cellphone na nagkakahalaga ng ₱22,000 sa isang vape shop sa Barangay Obrero, Quezon City matapos umanong magpanggap na humihingi ng tulong, ayon sa opisyal ng barangay.
Makikita sa CCTV na sumilip muna ang suspek sa loob ng tindahan bago mabilis na kinuha ang cellphone na naiwan sa puwesto ng tindera.
Naipa-blotter na ang insidente at patuloy na tinutukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng lalaki.
📍 via Jim Tejano
📷: Contributed



