Kinumpirma ni NBI Director Melvin Matibag na natanggap na nila ang kopya ng arrest warrant para kay Rep. Leandro Leviste.
Ayon kay Matibag, nakikipag-ugnayan sila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang matunton ang mambabatas at maisilbi ang warrant.
Bagama’t bailable ang kaso, kinakailangan pa rin umanong humarap si Leviste sa korte alinsunod sa batas.
📹: Mar Gabriel


