Nanawagan si DILG Secretary Jonvic Remulla kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na umuwi na sa Pilipinas upang harapin ang kaso nito matapos maglabas ng warrant of arrest ang Makati Regional Trial Court Branch 235.
Ayon kay Remulla, makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa international law enforcement authorities para sa posibleng pagpapalabas ng Red Notice at mapabilis ang pagpapatupad ng arrest warrant laban kay Leviste.
Batay sa pinakahuling ulat, nasa France umano si Leviste kasama ang kaniyang ina na si Senador Loren Legarda, na sumasailalim sa medical treatment.
Ang warrant ay kaugnay ng umano’y paglabag sa Section 25 ng Commonwealth Act No. 146, na inamyendahan ng Republic Act No. 11659 o Public Service Act. Itinakda ng korte ang piyansa sa ₱72,000.
📍 via Vic Somintac

