Arestado ang isang Regional Most Wanted Person sa CALABARZON at Provincial Most Wanted Person sa Quezon matapos ang halos isang dekadang pagtatago dahil sa kasong panghahalay sa Sariaya, Quezon.
Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente noong Oktubre 2015 nang umano’y yayain ng suspek ang biktima sa kaniyang bahay at doon pagsamantalahan. Nagsampa ng reklamo ang pamilya matapos malaman na nabuntis ang biktima.
Natunton at naaresto ang suspek sa Mansalay, Oriental Mindoro, kung saan nagtatrabaho na umano siya bilang bantay-dagat sa LGU. Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek.
📍 via Martin Banaag


