Ibinunyag ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo na ang ₱120 milyong “balato” na natanggap niya mula kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co ay katumbas umano ng 1% ng sinasabing 25% kickback mula sa pondo ng government infrastructure projects.
Ayon kay Bernardo, natanggap niya ang kabuuang ₱120 milyon sa tatlong bigayan: ₱45 milyon noong 2023, ₱50 milyon noong 2024, at ₱25 milyon noong 2025.
