Nagdeklara ng state of calamity ang 106 na lugar sa buong bansa habang patuloy na lumalala ang tagtuyot dulot ng El Niño.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang dito ang 66 na lugar sa Cagayan Valley, 23 sa Caraga, 12 sa Bicol, apat sa Calabarzon, at isa sa Soccsksargen.
Apektado na ang 104,149 pamilya o 388,375 indibidwal sa buong bansa.
Nagbabala naman ang PAGASA na posibleng mas kaunting pag-ulan ang maranasan sa ilang lugar sa bansa, at maaaring tumagal ang El Niño hanggang Marso o Hunyo ng susunod na taon.



