Naligtas ang isang taxi driver matapos maipit nang halos tatlong oras nang bumagsak ang isang dump truck na may kargang basura sa kaniyang sasakyan sa Payatas Road, Quezon City, nitong Martes ng gabi.
Ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD), anim na katao ang nasugatan sa aksidente, kabilang ang taxi driver, apat na pasahero at ang driver ng dump truck. Agad silang dinala sa ospital.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang sanhi ng aksidente. Samantala, muling binuksan sa mga motorista ang naapektuhang bahagi ng kalsada.
📷: QCDRRMD

