Nahuli ng pulisya ang tatlong magkakapatid sa kanilang bahay sa Sitio Bagbag, Barangay Cabcaben, Mariveles, Bataan, sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong less serious physical injuries.
Ayon sa Bataan Maritime Police, nagsimula umano ang insidente sa mainitang pagtatalo ng biktima at isa sa mga suspek matapos sitahin ang aso ng biktima dahil sa walang tigil na pagtahol. Nauwi ito sa suntukan hanggang sa sumali ang dalawa pang magkakapatid at pinagtulungan ang biktima.
Pinayagan ng korte na makapagpiyansa ng ₱3,000 ang bawat isa para sa pansamantalang kalayaan.
📷: Bataan MARPSTA
Via: Larry Biscocho


