Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Pilipino sa Davao International Airport noong Oktubre 17 matapos umanong alukin ng military work sa Silangang Europa na may sahod na ₱200,000 kada buwan.
Kinilala ang mga pasahero sa mga alyas na “Johnny,” 25; “Berting,” 51; at “Tappy,” 50.
Una nilang sinabi na pupunta sila sa Thailand upang lumahok sa isang Muay Thai competition, ngunit lumabas sa pagtatanong na balak nilang magtrabaho sa Europa.
Ayon sa BI, nakilala ng mga paalis na Pinoy ang mga recruiter sa Facebook at Telegram na nangakong sasagutin ang kanilang mga gastusin sa biyahe.
📷: BI



