Limang indibidwal ang nasawi sa sunog na naganap sa Sorsogon City Public Market noong Sabado ng gabi, Oktubre 24. Mahigit 380 vendor ang naapektuhan ng sunog na nagdulot ng pinsala sa kanilang mga puwesto at kabuhayan.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula alas-2:27 ng madaling araw nitong Linggo, Oktubre 25. Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente at ang lawak ng pinsala.
Samantala, naghahanda ang lokal na pamahalaan ng pansamantalang pamilihan sa bakanteng lote sa kahabaan ng Sorsogon City Coastal Road upang magkaroon ng mapagtitindahan ang mga vendor at tenant na nawalan ng puwesto.
📸: SPIO

