Arestado ang isang 22-anyos na lalaki sa isang buy-bust operation ng pulisya sa Santa Ignacia, Tarlac, matapos umanong magbenta ng hinihinalang ilegal na droga sa isang pulis na poseur-buyer.
Narekober sa suspek ang marked money na nagkakahalaga ng ₱500. Dinala siya sa custodial facility ng himpilan habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Dadalhin naman sa Crime Laboratory sa Camp Macabulos, Tarlac City, ang mga nakuhang ebidensya para sa kaukulang pagsusuri.
Via: Ismael Mateo

