Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ginagamit umano ng mga online scam group sa Pilipinas ang mga dismissed police at military personnel bilang mga tauhan sa kanilang operasyon.
Ayon kay Remulla, tinutunton na ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang scam hub sa Metro Manila. Lumipat na umano ang ilang grupo mula sa malalaking gusali patungo sa mas maliliit na inuupahang bahay upang ipagpatuloy ang kanilang operasyon.
Minomonitor ng mga awtoridad ang konsumo ng kuryente at internet, gayundin ang galaw ng mga kahina-hinalang indibidwal, upang matukoy ang lokasyon ng mga grupo.
Tinalakay rin ang banta ng mga transnational criminal network sa 20th ASEAN Ministerial Meeting on Transnational Crime sa Makati City.
📷: PNA


