Nangangamba ang isang residente sa M. Santos Street, Barangay 26, Pasay City, dahil sa posible umanong paglala ng pagbaha sa kanilang lugar matapos palitan ng mas maliit na tubo ang dating pipe culvert sa ilalim ng isinasagawang drainage improvement project.
Sa isang public post, nanawagan ang mga residente kay Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano na personal na inspeksiyunin ang proyekto upang matiyak kung sapat ang mga ikinabit na tubo sa daluyan, lalo na tuwing malakas ang pag-ulan.
Batay sa project information board, nagkakahalaga ng ₱10,098,519.20 ang proyekto na pinopondohan mula sa 2026 General Fund ng lungsod at ipinapatupad ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay sa pamamagitan ng kontratistang LARD BUILDER.
Wala pang opisyal na pahayag ang LGU hinggil sa reklamo. Hinihintay ang paglilinaw kung naaayon sa aprubadong plano ang mga pagbabago sa drainage system.
Via: Frank Marasigan

