Natagpuang naaagnas na ang bangkay ng isang lolo na caretaker ng lupain sa Sitio Igiban, Barangay Cupang, Antipolo City, Rizal
.
Itinuturong suspek ang kapitbahay nito na nakaalitan umano ng biktima dahil sa pagpitas ng rambutan sa lupang binabantayan nito. Batay sa paunang imbestigasyon, nakatanggap din umano ng banta ang biktima bago ito natagpuang patay.
Naaresto ang suspek na tumangging magkomento sa insidente. Nasa kustodiya na ito ng Antipolo Police at mahaharap sa kasong murder.
📷: Antipolo CCPS

