Hihigpitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang seguridad sa mga pumping station sa bansa at magtatalaga ng karagdagang tauhan ng Philippine Coast Guard kasunod ng pagnanakaw ng mga piyesa at kable sa Diokno Pumping Station sa Pasay City.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, muntik nang maapektuhan ang operasyon ng pasilidad dahil sa mga ninakaw na circuit at iba pang piyesa. Kung hindi umano ito agad naagapan at naayos, posibleng magdulot ito ng pagbaha sa Pasay hanggang Roxas Boulevard.
Tiniyak ni Dizon na papalitan ng contractor ang mga nawawalang piyesa nang walang gastos sa pamahalaan. Binigyang-diin din ng kalihim na hindi dapat malagay sa peligro ang publiko dahil sa mga aberyang dulot ng pagnanakaw sa mga pumping station.
📹: DPWH

