Nahuli ang 15 mangingisda sa operasyon kontra illegal fishing dahil sa paggamit umano ng buli-buli sa karagatan ng Barangay Balesin, Polillo, Quezon.
Nakumpiska ang tinatayang 2,760 kilo ng iba’t ibang isda na nagkakahalaga ng ₱276,000, gayundin ang mga bangkang pangisda na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱3 milyon.
Ayon sa Polillo Municipal Police Station, nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang kapitan ng bangka, habang isinangguni naman sa Municipal Treasurer’s Office ang 13 iba pang mangingisda para sa kaukulang multa.
📹: Polillo MPS
Via: Martin Banaag

