Personal na nagsampa ng kasong libel at cyberlibel si Davao City First District Representative Paolo “Pulong” Duterte laban sa mga opisyal at personalidad ng GMA News, kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, at kay dating Police Corporal Rodulfo Gracioso Jr. sa Hall of Justice sa Ecoland, Davao City, ngayong Biyernes, Oktubre 23.
Kaugnay ito ng kontrobersiya sa alegasyon ni Gracioso na naghatid siya ng mga maletang naglalaman ng pera sa mga miyembro ng pamilyang Duterte, alinsunod umano sa utos ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.
Gayunman, itinanggi ng pamilya Duterte at ng kampo ni Velasco ang mga naturang alegasyon.
Via: Mesach Eros Javier


