Umabot na sa 365 ang mga OFW na nakauwi sa Pilipinas mula Saudi Arabia sa gitna ng sigalot sa Middle East.
Nadagdagan ang bilang matapos dumating sa bansa ang 60 OFW dakong alas-10 ng gabi noong Linggo, Oktubre 25, sakay ng Qatar Airways Flight QR928 na lumapag sa NAIA Terminal 3.
Sa ilalim ng repatriation efforts ng OWWA at Department of Migrant Workers (DMW), nagbibigay ang mga ahensya ng tulong sa paliparan, transportasyon, pansamantalang matutuluyan at domestic flights, depende sa pangangailangan ng mga manggagawa.


