Tatanggalin ng Senado ang lump-sum funds o mga pondong walang tiyak na detalye sa panukalang ₱7.2 trilyong pambansang badyet para sa 2027.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, sisiguraduhin din nilang susunod sa mga itinakda ng Korte Suprema ang paggamit ng unprogrammed appropriations o pondong magagamit lamang kapag natugunan ang ilang kondisyon.
Kamakailan lamang, idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang ilang probisyon sa national budget noong 2024 at 2025.
Ipinawalang-bisa rin ng korte ang ilang probisyon tungkol sa unprogrammed appropriations sa 2026 budget.


