Nahaharap sa 36 na kasong kriminal ang anim na dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 12 at pitong pribadong indibidwal dahil sa umano’y pandaraya sa ₱491.9 milyong bayad sa right of way sa General Santos City.
Ayon sa Office of the Ombudsman, ang bayad ay para sa 18 lote ng lupa na naapektuhan umano ng paggawa ng Digos-Makar National Road.
Gayunman, natuklasang gumamit ang mga naghain ng claim ng mga pekeng dokumento upang makakuha ng pondo ng gobyerno.
Kasama sa mga kinasuhan sina dating DPWH Region 12 Regional Director Subair Saro Diron at dating Assistant Regional Director Laureano Suan Jr.
📷: DPWH GenSan


