PINK DOLPHINS SA HONG KONG! 🐬
Alam n’yo ba na may mga pink dolphin na naninirahan sa baybaying-dagat ng Hong Kong? Kilala rin sila bilang Chinese white dolphins at kabilang sa mga nanganganib na species.
Pero sa kabila ng kakaibang hitsura nila, patuloy namang kumokonti ang kanilang bilang. Kabilang sa mga dahilan ang pagkawala ng kanilang tirahan dahil sa mga proyektong pang-imprastraktura, gaya ng pagpapalawak ng Hong Kong International Airport.
Sa survey ng pamahalaan noong 2023, 34 na pink dolphin na lamang ang naitala sa Hong Kong, kumpara sa bilang nito na 47 noong 2017.
Dahil dito, mahalagang maprotektahan ang kanilang tirahan upang makatulong na mapanatili ang kanilang populasyon.
📸: Reuters


