Nagsagawa ng kilos-protesta sa harap ng Department of Agriculture (DA) Central Office sa Diliman, Quezon City ang mahigit 800 lokal na hog raisers upang tutulan ang labis umanong pag-aangkat ng karne ng baboy sa bansa.
Bitbit ng mga raliyista ang mga tarpaulin na may panawagang itigil ang labis na importasyon, protektahan ang kanilang kabuhayan at suportahan ang mga lokal na magbababoy.
Labis umano ang kanilang pagkadismaya sa kalagayan ng industriya. Anila, nahihirapan na silang tustusan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya dahil sa patuloy na pagkalugi.
Panawagan ng mga magbababoy sa pamahalaan na tugunan ang kanilang mga hinaing at protektahan ang lokal na industriya ng paghahayupan.
Via: Jim Tejano



