Nagprotesta ang Nuclear Free Bataan Movement (NFBM) sa pagdating ng mga kalahok sa supply chain forum na inorganisa ng Department of Energy (DOE) sa Bataan Nuclear Power Plant sa Morong, Bataan.
Ayon sa grupo, hindi dapat isakripisyo ang kaligtasan ng mga komunidad at ang kalikasan sa paghahanap ng mas murang kuryente. Iminungkahi rin nitong pag-aralan ang renewable energy bilang alternatibo sa pagtugon sa pangangailangan sa kuryente.
Via: Larry Biscocho



