Naghahanda ang halos buong Taiwan sa pagdating ng bagyong Champi na inaasahang magdadala ng malalakas na hangin at matinding pag-ulan ngayong Biyernes, Oktubre 23.
Ayon sa ulat, isa ang nasawi at 94 ang nasugatan, habang halos 1,300 residente ang inilikas mula sa mga bulubunduking lugar. Kinansela rin ang daan-daang domestic at international flights bilang pag-iingat.
Bagama’t humihina na ang bagyo, hindi pa rin inaalis ng mga weather forecaster ang posibilidad na direktang tumama ito sa Taiwan. Nakaantabay rin ang mga awtoridad at militar para sa posibleng paglilikas at rescue operations.



