May waste-to-fuel facility sa Barangay Cancohoy, Del Carmen, Surigao del Norte, na nagpoproseso ng mga plastik na basura na hindi na maaaring i-recycle upang gawing diesel fuel at refuse-derived fuel (RDF).
Sa pamamagitan nito, nagagamit muli ang ilang plastik na basura sa halip na basta itapon. Layunin nitong makatulong sa pamamahala ng basura at mabawasan ang mga plastik na napupunta sa mga tambakan.
Isinusulong ang pasilidad sa pakikipagtulungan ng DENR–Caraga, United Nations Development Programme (UNDP), European Union, AGREA at Project PEARLS.
Via: Jabes Juanite


