Hindi na kailangang kumuha ng permit para gumamit ng professional camera sa Intramuros, Manila, para sa personal at souvenir photography, ayon sa Department of Tourism (DOT).
Sa pakikipagtulungan ng Intramuros Administration at CameraHaus, layunin ng inisyatiba na hikayatin ang mas maraming photographer na kunan at ibahagi ang kasaysayan at kultura ng makasaysayang lungsod.
Gayunman, pinaalalahanan ang mga photographer na sundin ang mga alituntunin sa bawat lugar, kabilang ang pagbabawal sa paggamit ng flash sa ilang bahagi, upang mapangalagaan ang mga makasaysayang istruktura at koleksiyon sa mga museo.


